Monday, June 8, 2009

Para sa Iyo - Isang Minadaling Berso Bilang Pagpapaalam at Pagsasara ng Kung Anumang Namagitan sa Atin

Lumisan kang dala ang kapiraso ng aking puso.
Ni hindi nagsara ang kabanata ng ating pagsuyo.
Paano kita masisisi kung ako naman yung lumayo,
pagkat tiwala ko'y iyong 'pinagkanulo.

Buong akala ko'y isa kang anghel,
isang pagkataong di dapat kinakarir.
Ngunit sadyang kay bilis ng pagdating
at paglisan ng pagsintang mithiin.

Ako pala'y walang lugar sa iyong hinaharap.
Ang sabi mo'y may ibang bubuo sa 'yong pangarap.
May katuwang ka pa't ako'y panakip-butas
sa mga oras ng pag-iisa't pagkasawimpalad.

Salamat. Pinalakas mo ang aking loob.
Akala ko'y langit at lupa'y tuluyan nang sumaklob
sa nanliliit kong mundong nagunaw, tinupok,
na muling bumangon sa aso ng pagsubok.

Pinapanalnagin kong maging maingat ka
sa paghawak ng puso't damdamin ng iba.
Maging lalong maingat sa pakikipagniig,
ngayong balita koy' ika'y HIV-positive.