Ayokong sabihing bumangon ako sa pagkakalibing. More like, muling nagising si Sleeping Beauty matapos hagkan ng kanyang Prinsipe. Fairytale ending: beach getaway. Destination: Phuket. Nagkaroon ng konting anxiety kasi kapapanood ko pa lang ng "Hereafter", at ayoko namang maging washed out beauty ng tsunami, or maging Cherie Gil.
Share ko lang ang ilang mga pictures sa marikit na isla ng Thailand:
Monkey beach
Kalurks
Nagpatatoo nang slight
Nag-motorbike at dumayo sa ibang lugar para kumain
Nag-snorkeling ng slight-slight
Food trip galore
Di ako kumuha ng mga larawan ng mga turista sa Phuket, at ayokong ma-jombag ako ng aking semi-quasi-pseudo-jowaers. Pero ang masasabi ko lang, para kaming nasa panaderia - napaligiran talaga kami ng pan de sal at monay. Kulang na lang magdala ako ng 'sang kalderong kanin sa kalye, at solb na ang meals ko sa araw na yun. Pero hindi. Busog ako. Busog ako sa pag-ibig! Tienes!!!
Aaanhin ko ang 6-packs? May pag-ibig naman akong kasa-kasama, di ba? Umaarte lang. Hehehe