Bakit pinagkakait mo sa akin ang pag-comment sa sarili kong blog at blog ng ibang tao? BAKIT?????
!–>
Thursday, November 24, 2011
Wednesday, November 23, 2011
Katuwang - Katuwa, Kainis part 1
Pilit ang title, pero keber na. Keri na yan kesa sa nauna kong naisip na "Mag-Asawa'y Di Biro" (cliche, duh bah?) or "Kasal, Kasali, Kasalo" (nagamit na sa pelikula). Domesticated na uli ang inyong lingkod. Parang Persian cat lang. Dating hyena na ngayo'y askal na lang. Mixed metaphor, anubeyen!
Binuksan kong muli ang talaarawang ito at nalamang June 6 pa pala ang huli kong sanaysay. (Kinakalawang na pagsusulat ko!), 11 araw bago ako natsugi sa trabaho. Wala pa kong work sa ngayon. Pensyonada lang, db? Pero hindi rin kasi ganun-ganun lang yung mga nangyari.
Ayoko nang pag-usapan ang mga nangyari sa pagitan nung huli kong pagsulat at ngayon. Pero baka mabanggit ko sa mga susunod na blog entry. Di naman ganung kabigat gaya ng sa MMK, at di rin pangkomedya tulad ng sitcom. Lahat naman tayo ay may dinadalang problema. Yung iba nilalagay sa sulatin nila, yung iba naman, kinikimkim, at yung iba, may talent talagang magsulat nang tungkol sa mga bagay na di personal kahit may pinagdadaanan sila.
Mag-iisang taon na kami sa February 2012. Sya yung bente-otso anyos na nilandi ko at inahas ko sa party ng kaibigan ko nung 2010. Sya yung walang gusto sa kaibigan ko, at nadevelop sa akin at nag-invest nang higit na emosyon sa relasyon namin. Sya din yung may dating girlfriend ng limang taon at may di malilimutang karanasan sa high school (di malilimutang sa paraang di maganda, bagkus ay nakaka-trauma pa nga).
Ako ang una nyang boyfriend. Ako legal wife. CHAR-BROILED!
(to-be continued)

Subscribe to:
Posts (Atom)