No, I did not have an affair with an Uber or Grab driver (although some of them here are cute. Let me tell you - pag type ko, gorah sa passenger seat at todo chika to the max with matching girly giggles - I'm kidding - I don't giggle like a girl.).
No, I don't use drugs (nabalitaan ko nga yung sa BGC raid, juicecolored, nakakaloka. Bakit di ako invited dun? Kainis! Lels - all jokes aside, tingin ko, may isang baklang hindi pumasa sa so-called 'screening process' kaya tumiririt sa kapulisan, kaya ayun, tiklo... but that's just my silly musing).
And no, I'm not a Duterte critic. In fact, I love Duterte. I loooove his body (of work). I go gaga over Baste Duterte (hihi, akalamoha).
So, I have this problem - dilemma if you would call it. Kasi, I'm in-between
Good thing is: may job offer na. The down sides: it's terra nova villa for moi. Lumalatin lang ang Gloria Estefan (I know, mixed metaphors, pagbigyan na). Binabaan ko asking rate ko kasi alam ko na mahigpit ang labanan sa pagkuha ng pangkabuhayan showcase dito. Bukod dun, pag-aaralan kong mabuti yung sistema ng minimal input sa mga nakahawak na nito, at aasa lang ako sa dokumentasyon na naisulat na para sa sistema na yun. Sa ibabaw nun (on top of that), magtatrabaho pa ko ng higit labing dalawang oras kada araw (Lunes - Byernes at minsan daw Sabado) kung kinakailangan kasi hinahapit nila ang pagsasabuo ng sistema na ito bago magsimula ang bagong piskal na taon. Bukod sa pangunahing pagganap bilang itinakda sa proyekto, kelangan ko ring asikasuhin ang pang-araw araw na suliranin ng kanilang negosyo. Makikipag-usap din ako sa iba't ibang empleyado tungkol sa proseso upang lalong mapabuti at lumakas ang naturang sistema.
In other words, Boyoyong clowns level ang pay, pero ang performance dapat Cirque du Soleil.
Ang kagandahan nito, pag nairaos ko itong trabahong ito, tataas ang credentials ko. Hindi na ko maida. Mayordoma na ang level, ganern.
Natatakot din ako kasi pag di ko napantayan yung expectation ng client, Gandong Cervantes ang kasasapitan ng lola mo - in other words, SIBAK. Wala akong duda: tayong Pinoy eh madiskarte. Pero pag kinutuban ng masama ang bakla, napaparanoid. Atsaka, may "you can't teach an old dog new tricks" mentality ang yours truly. Ang nakakadagdag pa sa takot ko eh kelan ko lang nabalitaan na madaming umaalis sa kumpanya na yan kasi patayan daw talaga ang trabaho. (Bakit ko inapplyan?
Thankfully, I have time to think about the offer. Hindi pa naman nila ako pinepreysure.
Syempre, ang dilemma, may isa pang bahagi yan eh. Pero, hindi sya lehitimong problema. Kasi, hindi pa naman nagaganap ang isa pang alok sa isang kumpanya na prestihyoso at pangarap ko talagang pasukan. Nagiging problema sya, kasi natatakot ako na baka masalisihan ako ng pagkakataon na magtrabaho sa kumpanyang ito. At pag tinanggap ko ang alok bilang payaso ng Cirque, baka mawala nang tuluyan ang inaasam na trabaho sa kabila.
Bukas pa naman ang panayam ko sa aking "dreamy company", mga besh. Kung papasa ako with flying colors, well and good. Paano kung waley? Eh di, ligwak. As of this time, nagba-blog ako imbes na magreview. Walang pumapasok sa kukote ko, wah, sa pepe lang choz.
Isusugal ko ba ang pagtanggi sa palay na lumalapit, upang hintayin ang isa pang punong hindi pa naman namumunga at posibleng hindi magbunga, kung sakaling mabigo ako sa nangyari? Ang nega lang db, pero naguguluhan at aligaga talaga ako.
Inilalabas ko na lang ito sa internet para malaman lang ni Universe. Takot lang talaga akong
Hanggang dito na lang, ate Charo. Nagmamahal, Caridad.
ang daming neyms hehe. buti na lang may eksplanasyon. Carrie mo yan keri (mukhang nalito na din ako)
ReplyDeleteLigwak, sis. Crayola Davis nga ko for a short period. Naka-move on na. Thanks, sis. Mwaah!
DeleteANDAMING REFERENCES PARANG BAKLANG SCHOLAR KA BA HA.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
Delete