Wednesday, January 21, 2009

Isinulat sa Gitna ng Isang Whirlwind Romance na may Bittersweet Aftertaste

Ayokong isiping kinakarir kita.
Mabuti kang tao at busilak ang loob.
Pero ang ginagawa nati'y mukhang di tama.
Unti-unti na kong sa iyo'y nahuhulog.

Tinatanggi kong nilalandi kita,
pero wala akong masabi - isa kang anghel.
Hihilahin lang kita sa iyong pagkasira,
pero hangad ko sa buhay, ika'y makapiling.

Sana nga, wag mong akalaing
nilalaro kita.
Minsan na akong nagsayang
ng dyamante.

3 comments:

  1. wow. love these verses. kinda sad though.

    ReplyDelete
  2. It was. Turned out that I was played. He and his main guy were still together, although not officially separated. I was there when he felt lonely, so I was the fallback guy until he saw another guy. My mistake was that I fell not knowing he won't catch me. Sakit eh, una mukha. Hehe...

    ReplyDelete
  3. Ganoon?! Tangingang yun, ha. Shet sha. Shet silang lahat!

    (Grabe, affected daw ako, o?)

    ReplyDelete