Pilit ang title, pero keber na. Keri na yan kesa sa nauna kong naisip na "Mag-Asawa'y Di Biro" (cliche, duh bah?) or "Kasal, Kasali, Kasalo" (nagamit na sa pelikula). Domesticated na uli ang inyong lingkod. Parang Persian cat lang. Dating hyena na ngayo'y askal na lang. Mixed metaphor, anubeyen!
Binuksan kong muli ang talaarawang ito at nalamang June 6 pa pala ang huli kong sanaysay. (Kinakalawang na pagsusulat ko!), 11 araw bago ako natsugi sa trabaho. Wala pa kong work sa ngayon. Pensyonada lang, db? Pero hindi rin kasi ganun-ganun lang yung mga nangyari.
Ayoko nang pag-usapan ang mga nangyari sa pagitan nung huli kong pagsulat at ngayon. Pero baka mabanggit ko sa mga susunod na blog entry. Di naman ganung kabigat gaya ng sa MMK, at di rin pangkomedya tulad ng sitcom. Lahat naman tayo ay may dinadalang problema. Yung iba nilalagay sa sulatin nila, yung iba naman, kinikimkim, at yung iba, may talent talagang magsulat nang tungkol sa mga bagay na di personal kahit may pinagdadaanan sila.
Mag-iisang taon na kami sa February 2012. Sya yung bente-otso anyos na nilandi ko at inahas ko sa party ng kaibigan ko nung 2010. Sya yung walang gusto sa kaibigan ko, at nadevelop sa akin at nag-invest nang higit na emosyon sa relasyon namin. Sya din yung may dating girlfriend ng limang taon at may di malilimutang karanasan sa high school (di malilimutang sa paraang di maganda, bagkus ay nakaka-trauma pa nga).
Ako ang una nyang boyfriend. Ako legal wife. CHAR-BROILED!
(to-be continued)
Welcome back, 'teh! Namiss kita. Hang in there, things will be better soon. Hugsies.
ReplyDeleteNa-a-amoy ko ang...
ReplyDeleteNo Other Woman
na peg.
Chos!
Kengratcheleyzhens!
ReplyDeleteAteh, I'm so happy for you, unemployment aside. Hehe. But seriously, they say when a blogger becomes MIA, it's usually because his real-world life is becoming colorful. And what colors have you painted the town in? Hot pink? Fuchsia? Or old rose? In fairview, pasok sa Valentine's Day ang anniversary, mayroon bang pre-meditation na naganap?
Pak na pak!
I-achieve lang ang pagiging butihing maybahay. Malaybalay, Bukidnon eh umulan ng swerte sa bagong taon. Or, better yet, um-aura na ang working woman pagdating na pasko.
Isang matinding, kuma-kandirit na triple-snap from Pilipinas Kay Gandah!
At ok lang yan. Ako din ang unang boyfriend ng aking beau. Vagitarian siya dati. *wink*
ReplyDeletewow nag i shall return! bungga!
ReplyDeleteang mamahalin!
ReplyDeletein english, expensive!
ikaw na!
(at nagbow sa nagbabalik na Caridad...)
hugs kung ano man yng pinagdaanan mo
ReplyDeletewelcome back teh! series itey?
ReplyDeleteNamiss ko 'tong mga ganitong sulat mo Caridad. Namiss ka ng marami, lalong lalo na ako. :)
ReplyDeleteAhem, ahem.
ReplyDeleteglad to see u back, carrie! =)
ReplyDelete