Monday, January 22, 2018

Leila Dilemma

Sorry sa reference, sooo 2017.

No, I did not have an affair with an Uber or Grab driver (although some of them here are cute. Let me tell you - pag type ko, gorah sa passenger seat at todo chika to the max with matching girly giggles - I'm kidding - I don't giggle like a girl.).

No, I don't use drugs (nabalitaan ko nga yung sa BGC raid, juicecolored, nakakaloka. Bakit di ako invited dun? Kainis! Lels - all jokes aside, tingin ko, may isang baklang hindi pumasa sa so-called  'screening process' kaya tumiririt sa kapulisan, kaya ayun, tiklo... but that's just my silly musing).

And no, I'm not a Duterte critic. In fact, I love Duterte. I loooove his body (of work). I go gaga over Baste Duterte (hihi, akalamoha).

So, I have this problem - dilemma if you would call it. Kasi, I'm in-between hunks jobs right now. Seeking fun sex job opportunities, I have to get one right away or I'll Katy perish. The thing is, beggars can't be choosers ang peg ng lola nyo ngayon.

Good thing is: may job offer na. The down sides: it's terra nova villa for moi. Lumalatin lang ang Gloria Estefan (I know, mixed metaphors, pagbigyan na). Binabaan ko asking rate ko kasi alam ko na mahigpit ang labanan sa pagkuha ng pangkabuhayan showcase dito. Bukod dun, pag-aaralan kong mabuti yung sistema ng minimal input sa mga nakahawak na nito, at aasa lang ako sa dokumentasyon na naisulat na para sa sistema na yun. Sa ibabaw nun (on top of that), magtatrabaho pa ko ng higit labing dalawang oras kada araw (Lunes - Byernes at minsan daw Sabado) kung kinakailangan kasi hinahapit nila ang pagsasabuo ng sistema na ito bago magsimula ang bagong piskal na taon. Bukod sa pangunahing pagganap bilang itinakda sa proyekto, kelangan ko ring asikasuhin ang pang-araw araw na suliranin ng kanilang negosyo. Makikipag-usap din ako sa iba't ibang empleyado tungkol sa proseso upang lalong mapabuti at lumakas ang naturang sistema.

In other words, Boyoyong clowns level ang pay, pero ang performance dapat Cirque du Soleil.

Ang kagandahan nito, pag nairaos ko itong trabahong ito, tataas ang credentials ko. Hindi na ko maida. Mayordoma na ang level, ganern.

Natatakot din ako kasi pag di ko napantayan yung expectation ng client, Gandong Cervantes ang kasasapitan ng lola mo - in other words, SIBAK. Wala akong duda: tayong Pinoy eh madiskarte. Pero pag kinutuban ng masama ang bakla, napaparanoid. Atsaka, may "you can't teach an old dog new tricks" mentality ang yours truly. Ang nakakadagdag pa sa takot ko eh kelan ko lang nabalitaan na madaming umaalis sa kumpanya na yan kasi patayan daw talaga ang trabaho. (Bakit ko inapplyan? Desperado Kelangan eh.)

Thankfully, I have time to think about the offer. Hindi pa naman nila ako pinepreysure.

Syempre, ang dilemma, may isa pang bahagi yan eh. Pero, hindi sya lehitimong problema. Kasi, hindi pa naman nagaganap ang isa pang alok sa isang kumpanya na prestihyoso at pangarap ko talagang pasukan. Nagiging problema sya, kasi natatakot ako na baka masalisihan ako ng pagkakataon na magtrabaho sa kumpanyang ito. At pag tinanggap ko ang alok bilang payaso ng Cirque, baka mawala nang tuluyan ang inaasam na trabaho sa kabila.

Bukas pa naman ang panayam ko sa aking "dreamy company", mga besh. Kung papasa ako with flying colors, well and good. Paano kung waley? Eh di, ligwak. As of this time, nagba-blog ako imbes na magreview. Walang pumapasok sa kukote ko, wah, sa pepe lang choz.

Isusugal ko ba ang pagtanggi sa palay na lumalapit, upang hintayin ang isa pang punong hindi pa naman namumunga at posibleng hindi magbunga, kung sakaling mabigo ako sa nangyari? Ang nega lang db, pero naguguluhan at aligaga talaga ako.

Inilalabas ko na lang ito sa internet para malaman lang ni Universe. Takot lang talaga akong magkamali mabigong muli.

Hanggang dito na lang, ate Charo. Nagmamahal, Caridad.

Saturday, January 20, 2018

Say My Name, Say My Name


Magba-blog lang ako na parang wala lang nangyari. Ala-Biblia lang, wit mention ng 30-year gap. I maybe was too ashamed too private about my personal life during the months and years that I was absent here. Nawalan din ako ng ganang mag-blog, yung muse escort ko, naging mailap din. Well, I'm sure, di nyo naman naramdaman yung absence ko. Charot not charot. (Anlakas maka-Demi Lovato).

Anyways, during that dark time, I went to see a Chinese numerologist, 'coz you know- I'm a devout Catholic. There are theories that one's name has indications to general luck, love, finance, and health. My reason for doing so? I wanted to check if my name had to do with the misfortunes that was happening at that time, and in my life in general. Desperate krung-krung na ko nyan, kung ano ano na maisipan out of distress and depression.

Back story: I lost my job in 2011, met the love of my life prior to that year, went on to be in-between jobs for almost three years, got swamped in debt due to bad decisions, did some casual jobs to make ends meet, made more bad decisions and mistakes, got up again to have a second chance at my career, and the rest is an ongoing struggle to survive get by. I forgot what made me ultimately decide to go to a feng shui expert, maybe because there wasn't enough online material for it? Ginoogle ko na ang lahat, ngunit kulang. Charet.

Long story short, the feng shui "master" told me that my name is not auspicious. For a second I had a sigh of relief, coz I thought I had a normal name - unang akala ko, not autistic. AMPF.

Eto ka, sabi nya sa kin mamamatay daw ako in a body of water, as the numerological equivalent of my name suggests. Naloka ako. Gusto ko tumambling pero sa liit ng opisina nya, baka bumulagta lang ako. Since then, I had phobias of going to the beach, of cruising on water, etc. Kaya every time na gusto ni Pards na mag-kayak or mag-snorkeling or even magbabad sa balde, natakot na ako. Feeling ko, malulunod ako at yun na ang katapusan ko. Sa dami ng kasalanan at mga gusto kong matupad sa buhay, kamatayan ang huling nasa hinagap.

Suggestion pa ni manong feng, magpalit daw ako ng pangalan, yung makapagdadala ng swerte at magpapabago sa kapalaran ng buhay ko. Syet, ilang libo din gagastusin ko sa name change sa mga papeles ko, noh (Patollah Khomeini lang sa suggestion wahaha). Unahin ko na lang muna sex change bago name. Char. Masaya na ko sa katawang lupa ko, kahit amoy lupa na hahahaha.

Years later, na-realize ko (tagal ah), kahit gaano pa kamalas yang name ko na yan, eto ang binigay sa akin ng mga magulang ko at eto ang nakagisnan ko na. Yung kamalasang naranasan ko, kagagawan ko yun. Ako ang nagdulot, ako dapat ang mag-ayos. Kaya, God help me on my next steps.


Muli

Ako'y nagbalik
upang muling sulyapan
ang naging bunga ng pagtatalik
ng haraya at karanasan.

Malaki na s'yang supling,
siyete anyos na pala.
Muntik ko ng malimutan
ang maswerte n'yang kaarawan.

Napansin ko lang,
may kakaiba sa kanya.
Mukhang hindi s'ya normal
na gaya ng iba.

Kung napariwara man
ang suwing nangailangan,
nawa'y mapatawad ang ninong ninang
sa kanyang kapabayaan.

Ako'y nagbalik
upang masilayan nang saglit
ang tinalikuran kong paslit
na ngayo'y hinog sa pilit.