Samu't saring diwata
ang nagbabatis sa gabi,
nagtatampisaw sa dilim,
ikinukubli ang kinang at pakpak,
ibinababa ang lipad sa lupa
hanggang mairaos ang magdamag.
Nakita ko sya sa batis kamakailan.
Pawang isang malakas na siga ng apoy,
pinutakte siya ng tingin, pagnanasa, at pagtatakam.
Dinumog ng mga nagpaparamdam,
walang pakialam ang adonis
sa mga di nya nais.
Isa syang bathala
na naghihintay ng kanyang kapwa.
Nais kong mag-alay ng laman.
Baka ako'y matanggihan.
Kaya't ako'y lumayo;
sa mababang-uri nakipaglaro.
Hindi lahat ng batis,
nakapanglilinis.
Hindi lahat ng bathala,
may mata ng awa.
Hindi lahat ng bathala,
ReplyDeletemay mata ng awa.
- Kaya't dapat ay dumikit ka lang sa iyong kauri. Ako'y isang hamak na tikbalang, kaya't hanggang kapre lang ang puwede ko maging kasabwat.
Sa batis, kay tagal ko nang hindi nagtatampisaw. masyado kasing mapangahas ang kanyang tubig.
Nice!