Friday, June 4, 2010

Tralala

Minsang nagmahal sa baog na salita.
May biyaya ni Ikapati ang pagniniig.
Halik at yakap ay may halaga
sa mga katagang hindi naririnig.

Kaaya-ayang pagmasdan, maamo niyang mukha.
Ngunit may sumusugat sa aking pandama.
Minsang nagmahal sa baog na salita,
isang paghamon ang di inakala.

May biyaya ni Ikapati ang pagniniig.
Ngunit kailangang mag-alay kay Sta Clara
Upang umusbong ang ninanais na pag-ibig,
Upang mamunga ang sinusupling na pag-asa.

Halik at yakap ay may halaga
Sa bawat sandali ng pagniniig.
Ngunit tadhana'y walang magagawa
Kung kapwa kayong nagtitiis.

Mayroon pa bang mas nakabibingi
Sa mga katagang di naririnig?
Ito'y mga saloobing nasisikil,
nagsusumigaw na damdamin.

2 comments:

  1. palakpakan :)

    cno ba c ikapati? ahaha :P

    ReplyDelete
  2. Ikapati is the goddess of fertility in Philippine mythology :)

    ReplyDelete