Hi.
Di kasi ako makasulat, dahil di ko alam ang isusulat ko sa yo. Di ko alam kung magsisimula ba ko sa ‘sorry’ na apologetic, o sa ‘sorry’ na nalulungkot sa mga pinagdadaanan natin.
Nung sinabi mong ayaw mo na, natameme ako. May mabigat kang problema sa pamilya mo ngayon. Ayokong dumagdag sa pasakit ng isang sugatan, di dahil sa awa.
O baka nga awa.
Pero gusto kong malaman mo na nandito ako para sa iyo. Di ko na binanggit ang paglisan; mas marami ang dapat harapin kesa dapat takbuhan. Dahil may mga bagay na mahirap balikan, pag tuluyan nang tinalikuran.
Di rin naman madali ang lumaban. Lalo lang tayong mapapahamak. Pero ginusto nating manatili. Kaya kung kalbaryo man ang tinatahak natin, sana kayanin natin at lampasin.
Di ko alam kung bakit pinapasan mo ang krus na di dapat sa yo. Mahal mo nga, pero ano’ng kahihinatnan nito? Hanga ako sa abilidad mong kayanin ang lahat, pero hanggang saan ang kaya mong igapang?
Magpakatatag ka, mahal. Gumugulong pa rin ang tadhana.
Maituturing kong isa ito sa pinaka-makataong entry na nabasa ko ngayong mga araw. Nawa'y maging matatag kayong dalawa.
ReplyDelete