Saturday, November 21, 2009

Kay Ganda ng Pasko



Di pa ko nakakapaglinis ng kwarto gawa ng pag-gym. Inuna ko pa talaga ang katawan bago ang kapaligiran. Baliwalain ko man ang aking silid, eh di ko maiiwasang pansinin ang mga lansangan at loob ng pasyalan. Damang-dama mo ang pasko, kahit mahirap ang buhay. Kahit naging mahirap ang taung ito. Sa gitna ng mga pasakit, paghihirap, at pagkakamali, may dahilan tayo (lalo na ako), para magdiwang.


Di ko pa nasisilayan ang napagkalaking palamuti sa Ayala. Pero nasiyahan talaga ako sa palamuting puno sa MOA.



Maikli man ang buhay, pwede itong gawing napakamakulay. Gaano man kalimitado ang buhay, binigyan tayo ng isip at haraya para gumawa ng mga bagay nang walang patid at tigil.



Di ko alam bakit ganun na lang naisip at naisulat ko sa pagkakita ng mga larawan. Di ko man maalis sa isip na nanganganib ang kalusugan ko, gusto kong ibaling ang mga mata at kamalayan sa paligid ko, sa ningning at gandang taglay nito. Naging malupit ang hagupit ng tadhana sa taung ito. Matatapos din ang taon nang may bagong pag-asang magsisilbing lakas sa darating na taun.

No comments:

Post a Comment