Para akong tumigil sa paninigarilyo. Di talaga ako humihithit, pero alam ko ang pakiramdam ng pagtigil ng isang bisyo at ang epekto nito. Hinahanap-hanap mo ang mga bagay na tinanggal mo sa iyong sistema. Mula nang magresolba ako sa sarili ko na walang pakikipagniig sa susunod ng anim na buwan, kelangang panindigan. Ayokong lokohin ang sarili ko.
Minsan ko nang niloko ang sarili ko sa paniniwalang kaya kong itago ang mga kalokohan ko sa likuran ng taong minamahal lalo't higit sa Dyos. Nakapanakit ako dahil sa mga kasinungalingan ko. Ngayon, di ko pa man pinagbabayaran ang mga kasalanang iyon, gumawa na naman ako ng panibagong bungkos ng kamalian. May kelangan akong ituwid at linisin sa buhay ko.
Normal lang naman na makaramdam ng libog. Pero napapansin ko na pag may kumakalabit, mahina ang aking depensa. Buong linggo akong pasilip-silip sa planet romeo. May mga nagpakita ng interes at nagkakulitan na sa text. wala namang nangyayari kasi walang pagkakataon. Pero dapat putulin na ang namamagitan sa akin at sa tukso. At kelangang tanggalin ang mga numero ng di kaibigan o kalapit sa puso. Isa lang ito sa mga dapat kong gawin.
Magulo ang kwarto sa bahay. Minsan, di kaaya-aya ang amoy nito. Di naman mabaho, pero di rin kahali-halina sa ilong ang dating. Sira pa ang bentilador. Maraming dapat labhan at dapat plantsahin. Nagtambakan ang mga sulat at sobreng di pa nabubuksan. Amoy lungad pa ang kubre-kama at ang sapin ng ulunan. Malagkit ang sahig.
Maraming kelangang gawin ngayong Sabado.
Reformation na ito. Hehehe.
ReplyDeletehttp://midnightafterburner.blogspot.com/2009/08/orbiter.html
Huling beses na nagkaroon ako ng account sa isang gay site. Simula noon ay hindi na ako muling nagbalik.