Sa lahat ng lugar na pwede tayong magkitang muli, sa chatroom pa. Akala ko'y mananatili ka na sa kabilang dako, gaya ng una mong sinabi bago tayo magkalayo. Nagbalik ka pala dito. Mas luntian talaga ang damuhan dito.
At yumabong lalo ang sex life mo kamo. Maraming kalalakihan ang gusto kang matikman. Pero di ka na nag-iinvest ng puso sa tao, maliban na lang kung liligawan mo. Tama yan, wag ka nang maging madrama sa buhay gaya ng dati. Maging matatag ka, pero wag maging manhid sa pag-ibig.
Totoo bang ako ang una mong hinanap nung napadpad ka dito? Sana nga. Nakaka-flatter eh. Pero nakakailang marinig ang mga kwentong xerex mo. Lalupa't nang ipakita mo ang mga larawan ng mga nakalaro mo.
Ngayong wala na kayo ng kaibigan ko, at nasa malayo na rin sya, gusto mo akong asawahin. Masyadong mabilis. Sumang-ayon ka din sa mungkahing magkakilanlan muna tayo nang husto. Madami rin ang nangyari sa akin dito, at may mga dapat pa kong malaman tungkol sa yo.
Sabi mo naman, ayos lang at mag-enjoy muna tayo sa presensya ng isa't isa. Maglaro tayo paminsan-minsan, ituloy ang dating nakagawian, habang kinikilala ang isa't isa. At kapag dumating na ang tamang oras para magseryoso, dun tayo magsimulang um-oo.
Masyado ba akong nag-iisip o talagang maraming mali sa nangyayari?
No comments:
Post a Comment