Ang karma nga naman digital na.
Nung naglalakad kami ng mga kaopisina patungong kainan, naibulalas ko lang naman na kung dala ko camera-phone ko, kukunan ko yung mga tumbong ng dalawa naming kasamang babae (na kapwa malusog) at i-upload ko sa facebook ang larawan at ita-tag ko ang iba naming kasama sa tanghalian, maliban sa dalawa. Alam ko, masamang biro, at di ko gagawin yun. Saka, matagal na rin kaming magkakakilala para magbiruan nang ganun.
Di ko inasahan na nung nakatulog ako sa bus pabalik ng opisina matapos ang kainan, nakunan pala ako nang panakaw. Ang kumuha’y yung isa sa mga babaeng kaopisina na biniro ko. Nakita ko na lang sa facebook wall ko. Buti hindi ako nakanganga sa picture. Pero ang akala nilang katuwaan, sa akin ay pang-aasar. Pikon-talo na ko. Pero di ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko. Samantalang may mas nakakahiya pang litrato ang nakapaskil sa website na yun, pero pinalampas ko lang. Dahil ba sa prinsipyong “di ko naman tinuloy yung binalak ko, bakit gagawin mo sa akin?”
So, tinanggal ko na lang yung pagkaka-tag ko sa picture. Hindi pa pala tapos ang katuwaan. Pinalaki pa yung photo para mag-zoom sa mukha ko. Kebs na ang caption, pero dun siguro ako napuno. Pero kung sa ibang kasama ko yun ginawa, malamang natawa na lang ako. Pero hindi ko maiiwasang mapa-iling, kasi alam ko na may tatamaang ugat (struck a nerve? Hehe). Hindi na ako yung high school na bata na matatawa sa kapintasan ng iba at magagalit pag ako na ang sapol. Natatawa pa rin ako sa mga birong ganito, pero alam ko na ang pakiramdam ng napapahiya. Pero kung sasalungatin mo naman yung pasimuno, away. Ayaw ko naman ng away.
Pero ang mas matinding digital karma ay galing sa isang nag-add sa akin.
Ang gwapo nya eh. I let my guard down because of that.
When I viewed his album, I saw my ex. They have a couple of pictures of their recent trip outside Manila. I can’t help to assume, but I have this hunch that they’re together already. Whatever our back story is, may the ending be good or bad, and you would know that certain feelings would come back to you. Memories come crashing through. And thoughts would barrage your mind, like shoulda woulda coulda barracuda.
Ang sikip sa dibdib, ate Charo.
Kung sinuman sa amin ang dapat maunang mag-move on at magkaroon ng bago, sya dapat yun. Saka, hello, Carrie, kasalanan mo eh. Nung magkasama kayo, niloko mo sya. Nakipag-jerjer ka sa iba sa likod nya. Nung break na kayo, a few months later eh may ka-fling ka na at binalita mo pa sa kanya. At recently lang, may ka-date ka. At kung di mo na natatandaan, tinext mo yan na may feelings ka pa sa kanya, pero binitin mo sya sa ere. Di ka na uli nagparamdam matapos mong guluhin yung nananahimik nyang buhay. Eh anong pinagpuputok ng tumbong mo? Ang selfish mo! Hayaan mo na syang lumigaya. Tapos na ang bahaging naging kayo. Hayaan mo na sya
I know that. Kaya si new-found facebook friend, ni-remove ko na agad sa listahan ko.
Hindi ako nagmamapait. Di ko naman alam na sila pala ni ex. Di ko rin alam ang intensyon ng taong ito. Kung meron man syang gustong iparating, madali naman akong padalhan ng mensahe sa FB eh. Di naman ako kelangang idagdag para lang masulatan. Ngayon, kung gusto nilang iparating sa akin na magkasama na sila, well and good for them. Masaya na akong malaman na masaya na sya sa isang taong talagang mamahalin nya at magmamahal sa kanya. Bagay naman sila eh. And I wish them happiness together.
Nagkaayos na kami ni girl officemate tungkol sa isyu ng litrato. Nagsorry na ko na di ko dapat naisambit ang masamang biro.
Di pa man kami nagkakaroon ng closure ni ex, alam ko masaya na sya at alam ko na rin na dapat akong mag-move on.
Magpopost sana ako ng comment tungkol sa blog entry na to nung nakita ko pic sa isa sa mga followers mo dito sa kanan.hahahaha
ReplyDeleteanyway, lesson of the story - unahan mo na!
Hanggang ngayon, hindi alam ni ex na nasa Facebook pa rin ako. Blocked siya sa akin.
ReplyDeleteIn time, you will move...
ReplyDelete