Thursday, April 1, 2010

Washing of the Feet

Na-miss ko ang mga days na nagsakristan ako sa community.

Yes, this slut used to be an altar boy. Either ako yung humawak ng insenso, tumulong sa paring maghugas ng paa ng mga "disipulo", o buhatin ang pascal candle.

Ang saya nun. Tuwing umaga, may dress rehearsal. Pagkatapos nun, kakain kami ng munggo at galunggong with rice for lunch. Sa tanghali, manonood kami ng Oro Plata Mata, Himala, Tinimbang Ka Ngunit Kulang, or whatever sine special sa local channels on a Maundy Thursday.

Sa gabi, gather-gather na kami ng mga kabarkada ko (who now know about my orientation). Nakabihis na kami sa plaza. Since maliit lang ang kapilya at ito ang isa sa mga panahon na madami ang deboto, sumunod sa pasko, kailangan sa plaza talaga ang misa. Ewan ko lang ngayon, pero noon, may mga 12 lay men talaga na nagbibihis ng disipulo from holy Monday to Good Friday para makasama sa estacion ng cruz at seven last words mass. Ang partisipasyon ko lang noon ay sa Huwebes hanggang Pasko ng agkabuhay. Bongga ang eve ng Easter,  may gimmick talaga si Father para ma-illustrate yung salvation from darkness and redemption from sin. Hindi naman ako sacrilegeous, I just want to express admiration ko sa effort and creativity ng mga tao.

Sa misa, handa na naman lahat na kelangan. Execution na lang kami. Wait for cue na lang. Gusto ko rin maging reader noon - para lang makasuot ng bestida, humarap sa tao, at iparinig ang aking magandang boses sa isang madamdaming pagbigkas. Chos! So ako, incense-bearer. Kapag gospel reading, incense sa altar at sa pari. May portion pa na mag-incense ako sa audience. May-I-bow muna, then incense. Wala naman akong nakaka-embarass na karanasan, kaya naalala ko pa ito. Pero medyo limot ko na yung details kasi memory gap. Ageing na lolo mo.

Yun lang naman mai-share ko on this Maundy Thursday.

Have a solemn weekend, guys.

4 comments:

  1. Have a reflective Lenten week rin sayo. :)

    ReplyDelete
  2. wow...ang linis ng post..busilak! :P

    ReplyDelete
  3. nasa itsura mo naman tita. goodie goodie boy :)

    ReplyDelete
  4. Wow!

    I never knew the words "slut" and "altar boy" can be used in one sentence before I read this entry.

    haha

    ReplyDelete