Tuesday, February 9, 2010

Boses Kuliglig

Nahanap mo na ba boses mo sa mundong ito? Ang seryoso ng tanong. Pero, wag ka, baka mababawan ka o antukin sa mga susunod mong mababasa...

Kilala si McVie, Bernadette, Mr Hubs at si Kokoi sa pagpapatawa. Si Miggs na boses ng mga kapatid natin sa iba't ibang panig ng daigdig. Narinig ko na rin sina Dan and Rye na parang napakanatural ang dating. Si Tristan na icon ng online romance. Si Vince na naghahatid impormasyon tungkol sa pagiging bading - bokabularyo, bathhouse, style ng pag-cruise, etc. Si Gibbs Cadiz ng Kultura at Sining. Si TBR na magaling sumuri ng pelikula. Si Galen na di nauubusan ng samu't saring paksa na mailalahad sa kanyang tagabasa. Si Danton Remoto na tumatalakay sa politika.

Marami pang maaaring banggitin pero ilan lang yan sa mga boses ng rainbow bloggers or pink bloggers na alam ko. Pihado, madami pang mga personalidad ang di ko pa nababasa na talagang brilyante ng panahong ito.

Pero ano nga bang boses ang dapat kong i-project. Kung sinuman ang nagbabasa nito, eh kukurutin ako sa singit at sasabihing, maging totoo ka. Be yourself, kumbaga. Marahil boring ako magsulat ng wholesome na paksa, o boring lang talaga yung paksang inilalabas ko. Kaso, naisip ko na kung puro kalandian o kamalian ang ilalahad ko, wala nang magkakagusto sa akin. Ano na lang sasabihin ng taong makikilala ko dahil sa blog ko, na wala akong ibang ginawa kundi magbathhouse, magpatira sa kahit sinong lalake, patulan ang kung anumang gumagalaw, o papayag sa kung anong kundisyon, kaladkarin baga, makapag-sex lang. Totoo, pero turn off di ba?

Ayoko rin namang kinakaawaan ako.

Paprangkahin ko kayo, Nag-blog ako para mapansin. Lahat naman tayo naghahangad ng atensyon, di maikakaila. Pero sadyang karamihan eh may ibubuga naman sa pagsulat. At kung may makaka-appreciate ng katha mo, eh di mabuti. Kaya naman natutuwa ako pag may nagkokomento sa blogpost ko. Pero di naman yun ang punto ng gawaing ito. Pinakumbaba ako ng mga pangyayari para mamulat ako sa katotohanang di ako kagalingan. Napagtanto ko, na di ito karera o patimpalak o palakasan.

Naging intension ko rin ang mag-blog para umiwas sa bathhouse. Kaya pinili ko ang URL na ABlogADayKeepsTheBathHouseAway.blogspot.com. I’d blog about anything I could come up with and publish it, so that I’d spend my weekends in my room instead of at the baths. Apparently, it didn’t turn out as planned. For the most part, ironically, I’ve blogged about my experiences at the baths.

Ang blog na ito ay mundo ko kung saan may kalayaan akong magsulat ng kahit anong gusto ko at nais kong ipamahagi sa nais bumasa.

Wala pa rin akong maitataguyod na boses sa ngayon. Magiging pilit lang ang persona ng blog page na ito. Hayaan ko na sa ang mga batikan at batak na sa ganitong larangan ang isang bagay na magtatatak sa kanila sa mundo. Ako, isang ordinaryong bakla na kung may maisusulat, isusulat ko ayon sa kung ano ang nais kong mailathala.

Malamang yung ibang nakabasa nito eh lumipat na sa ibang blog site. Kung matapos mo itong entry na ito, pilit man o may tyaga, salamat, kaibigan.

Ako si Carrie. At ito ang blog ko.

2 comments:

  1. Huwag ka mag-alala, may isang bahagi ng buhay ko na naging kadugtong ng G4M ang blog ko. Naroon rin na naging kadugtong ng blog ko ang relasyong pilit kong itinaguyod. At Naroon rin at naging kadugtong ng blog ko ang naging buhay ko kasama ang piling grupo ng mga tao na naging unang barkada ko. Ngayon, bukod sa trabaho at pagkakaroon ng buhay single, kadugtong ng blog ko ang Malate. Kumbaga, seasonal lahat ng mga sinusulat ko.

    In time you will find your voice. Sulat lang ng sulat sa mga bagay na iyong nakikita.

    ReplyDelete
  2. i like your blog because you're keeping it real. i'm your number 1 fan! :) keep it up! thanks a lot sa special mention! :)

    ReplyDelete