Lately, di ako nagpo-post ng status sa facebook. Puro post lang ng mga kinain, o kalokohan o madalas magkomento sa estado ng iba. Ang hirap kasing maglathala ng kung ano ginagawa mo – pakialam naman ng iba. Kung may halong poot o hinanakit naman yung status, pag-isipan ka pang nega star. Kung echos naman ang ipo-post, babarahin ka pa ng mga kaibigan mo. Pero kung happy at positibo naman yung ise-share mo, may fb friends kang mag-aagree at magse-second motion sa pinost mo.
Naalala ko tuloy yung isang aphorism: “When you have nothing to say, say nothing. A weak defense strengthens your opponent, and silence is less injurious than a bad reply.” Enough said.
Hanga naman ako sa mga friends na ang simple ng post, pero andaming reply. Di ko sya masisisi; marami syang kaibigan. Mapa-cheesy, mapa-emo, kahit ano, patok sa takilya ang mga salita. Inggit ba ako? Hindi ah! No! Walang violent reaction from me! Char.
Minsan naman akong nag-post na kasama ko nanay ko after the mass. Akalain ko bang may magkomentong, “ang agang rampa naman nyan!” Wala naman akong ginawang masama sa taong yun. Bagkus, pinuri-puri ko pa sya noon sa angking sex appeal nya bilang tao. Bakit ganun na lang ang komento nya? Simula nun, itinigil ko na ang pag-comment sa mga statuses nya. Ni-hide ko pa nga sya sa newsfeeds ko eh.
Ay, wag ka, andami kong tinago sa mga FB newsfeeds ko. Mga apps, mga taong paulit-ulit sa estado, mga walang karele-rele na lathala, mga nakakairitang eklavarva. Minsan, tinatabunan nya yung mga importanteng bagay na dapat kong malaman sa mga kaibigan ko eh!
Pero ang matindi siguro ay yung in-unfriend ka minsan, at in-add ka uli, para ma-unfriend na naman sa bandang huli.
Kasalanan ko kasi. Si ex yun. Syempre, nung break-up namin, binlock nya ko sa lahat ng online networks, FB and Friendster in particular. Understandable. After several months, I sms him, telling him I still think about him and he’s still the one person who holds my heart. Malamang nabasa nya yun, kasi one day, in-add nya ko ulit sa FB. So, I thought we’re okay. I forgot that I sent him that message and never made follow-throughs. Although, I distinctly remember liking every FB statuses he posted and commenting on them. Annoying much? So, one day, I noticed his statuses are no longer on my home page. When I checked his profile, I saw the “add friend” button. This made me furious at first, but then I realized my wrongdoing. I had my emo moments when I texted him. Seriously, I still had feelings. But the actions were so unsatisfactory. I don’t blame him for unfriending me once again, this time around.
Mainam na yun, kesa sa mudslinging at vandalism sa wall ng iba, di ba?
his loss but hope ur not obssessed
ReplyDeletemove on!