Ilalathala ko sana ang isang makabagbag-damdaming entry na pinamagatang "The Geek, The Grower, The Shooter, The Swimmer, The Moaner" aka ang limang engkwentro sa bathhouse sa isang gabi. Kaso baka mawalan ako ng readers sa sobrang pagmamaganda ko. Choz!
Isusulat ko na lang ang isang bagay na natutunan ko ngayong araw.
Natutunan ko na maraming supporters si Wisely. Vote Wisely ang bukambibig ng mga tao, ng mga leaflets, ng mga ads. Si Wiseley Snipes ba itu? We can never can tell. Charot.
In other words, wala akong contribution sa Halalan Dalawang-libo't sampu! O Halalan Bente-Dyes. Jologs ng tunog.
Ang ambag ko naman sa Mother's Day: minsan akong tinalakan ni mudra nung ako'y nagrebelde. Cry me a river ang background music habang nagkukusot ako ng mga puting kamison. Nung hindi ako binigyan ni motherly lily ng pambaon ng higit sa inasahan ko, nagdabog ang inyong kagandahan na hindi papasok. Oo, parang Gladys Reyes lang ang school of acting ko para Manalo ng Boljak awards. Hindi rin naman ako pinalabas ng bahay ni mama sita, at bagkus ay pinaglaba ng damit. At ang talakan portion: madramang episode.
"Mag-construction ka na lang!" Tumatak na parang mga linya ni Cherry Pie Picache sa Iisa Pa Lamang ang mga salita ni inay. Eh kasi ba naman, alam kong mahal ako ni mama. Pero sa sobrang sama ng loob nya sa pagiging suwail ko, hindi ko sya masisisi na ganun na lang maibulalas nya.
Come to think of it, kung naging vortaciously yours akez, baka mas mabenta ako sa batis. Echos lang.
Simula noong naboljak ako ni ina magenta, tinaga ko na sa bato na magsusumikap na ko sa pag-aaral kahit barya lang ang ibigay sa akin. Bahala na si batman paano ako makakarating sa Ortigas. Poveda kasi ako eh! Hahahaha! Charot lang.
Pero ang pinaka sa lahat ng natutunan ko ngayon: kung may isang malaking bagay kung saan ka nagkulang, hamo't binigyan ka ng Dyos ng kakayahang maging mabuti't magaling sa ibang bagay.
Gaya ngayong linggo, pumalpak ako pangunahing trabahong iniatas sa akin. Pero bumawi din naman ako sa ibang bagay gaya ng pagtulong sa ibang proseso ng kumpanya.
Pero, bilang tao, hindi mawawala ang mabuti ngunit makasariling balak na i-redeem ang sarili sa harap ng tao. Iisipin kasi ng ibang tao na nagpapasikat ako pag ginawa ko ang trabaho ng may-trabaho. Pero tumulong lang naman ako. Pero, gusto ko ring patunayan na may silbi pa naman kasi ako, at hindi dapat sipain sa trabaho. Gets nyo yung point? O gusto nyo ng laser pointer? Charot.
Ngayong araw ng halalan, nawa'y mamulat na ang mga tao sa pagpili ng itataguyod na pinuno ng ating bansa. At sa mga mahihirang na pinuno, nawa'y maging responsible sila at tupdin ang mga pangakong isinuyo nila sa madlang people.
Walang konek. Basta may mailathala lang. Pagbigyan nyo na, di ba? Kakaunti lang din naman ang babasa nito eh. Hehe.
Grabe ka ah! 5 sa isang gabi!
ReplyDeletePara tuloy akong excited mag blog about my BH habits. Talo ka sa literal, as in literal na pagmamaganda ko. Lolz.
Haha! Mu[g]en, knows ko na yan, na may mas gaganda pa talaga sa akinechi. Post mo, friend, I wanna read it.
ReplyDeleteaba pagandahan na pala ang labanan ahaha! ( pag maganda ka, di kna kailangan magmaganda ahahah ) dali ikwento mo yan, i'm sure maraming malilibog ang makaka appreciate nyan! :P
ReplyDeleteCarrie, sensya na hindi ko na nasagot question mo. I've always dated girls, pero one night nung nalasing ako sa isang resort sa Laguna, someone took advantage of me (o baka naman bumigay lang ako?) hahahaha. That was five years ago.
ReplyDeleteWhat kind of work do you do at your company?
hahaha - parang lukaret lang magkwento!
ReplyDeleteHahaha. Kesa naman magseryoso ako, masyadong boringga, duh bah?
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteOy posted my entry last year. For sure nabasa mo na yun. Si Soltero lang ang hindi. Hehehe.
ReplyDeletenakakalurky magkwento si tita. katuwa :)
ReplyDelete