Thursday, July 29, 2010

Ikakasal Na Sya

I was entering the gym when someone blocked my way - a friend of mine whom I haven't seen in a while. Kumustahan kami habang iniabot sa reception ang mga membership cards namin for verification. I suggested that we work out together. He agreed to follow what I was planning to do that night. Back and biceps workout ang plano ko eh.

Prior to meeting him, I had pork sinigang and lechong kawali and the ulam was a little too much and tasty, that one cup of rice wasn't enough. Talo-talo na ang Century tuna hot bod na pinaghirapan ko. Chos!

When the recep handed back our cards, we went up to the locker room to change. Nung nasa changing room na kami, we chose na magkatabing locker and as he saw me undress, he quipped, "kala ko may abs ka." It's like saying, "pumayat ka lang, pero wala ka naman palang pandesal."

"Kashe I wash bagong-kaehn eh," sa loob-loob ko. "Hindi ako nagka-crunches eh. Tamad akong mag-sit ups," nasabi ko.

Actually, five months ago, ako ang stocky, sya ang totoy-balingkinitan. Ngayon, ako ang payat, sya naman ang tumaba, pero di tabang stocky, kundi bumilog lang ang mukha at nagkabilbil lang nang kaunti. Biente-dos eh. Pag bata pa o batang-tignan, keri ang baby fats.

So, back exercises. Pull ups, rows, lat pull downs, machines, crunches, bicep curls, spiral curls, cupid curls, corkscrew curls - ay, mali! At 30 minutes sa treadmill. Todong workout talaga. Isa't kalahating oras kami sa gym para matunaw ang kinain ko, at para gutumin sya nang lubos.

"Marami-rami kakainin ko nito mamaya," sabi nya.

"Uy, sira ka. Sayang winork-out natin ngayon. Ano ba kinakain mo sa gabi?"

"Ampalaya." Ok. Pwede.

"Sardinas... na may itlog". Sarsyado. Sabi ko, tanggalin ang pula. Ayaw nya.

"Chicken." Pwede, tanggalin lang ang balat.

"Balat? Eh chicken popcorn yung binili ko." Ayos.
"Invite kita sa kasal ko." Aniya, after a few minutes of concentrating on our run. Nasa treadmill kami, tumatakbo.

"Sino tong pakakasalan mo?" Ikako.

"Katrabaho ko."

Recollecting Bien's entry, naintriga ako sa sitwasyon nya.

"Ano pangalan?" tanong ko.

Binanggit nya ang name na hindi pangalan ng pakakasalan ni Bien. Hahaha. Baka magkonek eh. Hindi naman pala. Hehehe.

"Bakit mo naman pakakasalan?" sabi ko.

"Nagkabiruan lang. Ambait kasi. So sabi ko, pag ganyan ka palagi sa akin, pakakasalan kita. Matapos nun, binabanggit na nya sa akin yung tungkol dun."

"Ganun? Gaano katagal na ba kayong magkakilala at gaano katagal na kayong kayo?"

Sabi nya, dalawang taong magkakilala at ilang buwan nang sila. Pero di pa final ang lahat. Pinag-iisipan nya ang bagay. Kelangan pa niyang pag-aralan ang relihiyong Muslim ng isang taon kung pakakasalan nya yung katrabaho nya.

Kahit ako, na-bore sa sinusulat ko. Anyway...

I wish him well. All the best, talaga.

Magkikita uli kami mamaya for chest, shoulders, and triceps exercise.

14 comments:

  1. potah, nahilo ako sa post mo hahaha..panalo yung na bore ka sa sinulat mo!

    ReplyDelete
  2. kwentong kasal din, nauuso yata. wala ng effort-effort.

    ReplyDelete
  3. at nagpplay sa utak ko yung song ni jessa while reading this. heehee.

    ReplyDelete
  4. JR, :D

    Bien, nagkakataon eh.

    paci, yan din yung nagpplay sa utak ko habang kino-compose yung entry. hehehe

    ReplyDelete
  5. nabore si tita sa sinulat nya oh. hahaha.

    ReplyDelete
  6. parang di pumasok ang comment ko.

    mars, parang kapag usaping kasal, nabobore ka.

    parang while filing your kuko atsaka mo sinabing: "i wish him well."

    parang chinacharot lang. parang ngumunguya lang texas bubble gum.

    ReplyDelete
  7. hahaha ano ba yan lol, akala ko pa nman, nag eemo emo ka at ikakasal na ung lab op yor layp, un pla ahaha :P

    ReplyDelete
  8. di ko sure..pero are you also contemplating on too on getting in the the future?

    anyway this blogis not boring. a little more tweak here and there, it could be a great and insightful piece... i love the mind games embedded here

    ReplyDelete
  9. nakakatawa yung nabore ka. hahahaha

    ReplyDelete
  10. wow. . . .todo workout?hekhekhek . . . .

    ReplyDelete
  11. pwedeng mag flower girl este ring bearer sa kasal? hehehe,, bakit ako hindi na bore sa sinulat mo.

    ReplyDelete
  12. hindi boring ang sinulat mo.

    pero mas interesting kong ikaw sana ang ikakasal, hehehe.

    cheers.

    ReplyDelete
  13. tungkol saan po ba talaga tong post mo ate carrie?
    tungkol ba sa kasal o sa workout nyo?

    dapat ang title eh "Workout sa Gym"

    tapos yung next post mo "Workout sa Gym - Part II"

    ^_^

    dalawa palang nababasa ko sa kwento mo pero ang galing nyo mo magcompose ng kwento... paturo naman

    ReplyDelete
  14. shugality ng update achi! hehe

    ReplyDelete